Friday, January 06, 2006

Adik na pangangatawan

Hindi naman ako payat at mukhang sakitin. Healthy nga daw akong tignan. Masayahin at masigla naman akong kasama. Pero noong Miyerkules, buong hapon akong nakahiga sa kama at nagpapahinga dahil inatake ako ng matinding sakit ng ulo--migraine nga ata. Kasabay nito ay ang pagsakit ng aking ngipin. Adik nga ata ang kalusugan ko. Ngayon namang gabi ay sumsakit ang sikmura ko. Hindi ko na nga lang sinabi sa mga kasama ko kanina kasi baka magpanic naman sila at biglang maghanap ng gamot (hehehe...ganyan ako "kasakitin").

Anyway, GUSTO KONG BATIIN NG MALIGAYANG PASUKAN ang mga mag-aaral ng Unibersidad ng Pilipinas at iba pang paaralan sa Pilipinas. Magdiwang tayo sa tamabak na mga trabaho at proyekto na darating (*sarcastic growl*). GOD BLESS!

No comments: