Monday, February 27, 2006

Isang Pasasalamat

Sa lahat ng mga taong nagpapatuloy na nagmamahal at sumusuporta sa akin...
Sa lahat ng mga taong naniniwala sa kakayahan ko...
Sa lahat ng mga taong nanakit at nasakatan ko...
MARAMING SALAMAT SA MGA ALAALA.

Wala lang...feel ko lang magpasalamat...kakaiba nga feeling ko ngayon. Para akong nagpapaalam (knock on wood). GOD BLESS ME! Siguro ngayon ko lang naisip talaga iyong bigat ng papasukin kong trabaho next year. TANG***, parang mamamatay ako sa dating ng aking entry! Sheeeeetttttt! Tama na ito. Next issue na!

* * *
Sa gitna ng kaguluhan na nangyayari sa Pilipinas, isang malaking achievement para sa mga tao sa media ang pagkakaroon nila ng pagkakaisa at pagsasantabi ng kanilang kompetisyon at kaisipang kumita upang harapin ang krisis na kinakaharap ng ating karapatan sa malayang pamamahayag at pagsasalita. Isang malaking achievement din and pagkakasundo ng faculty at students pagdating sa usapang pulitika.
* * *
Hindi ko alam kung tanga lang talaga siya o nagtatanga-tangahan. Akala ba niya ay hindi ko makikita ang tunay niyang kulay. Ang pagtatago niya sa ibang balat upang magmukhang mabait at matalino, ang magmukhang kaawa-awa at walang kalaban-laban ay hindi gagana sa akin. Binigyan ako ng Diyos na mag-isip--kakayahangsumuri sa mga bagay-bagay na nagaganap sa akin at sa kaing paligid. Hindi mo dapat iyon maliitin. OO, maaaring minsan ay nagkakamali ako at nagbubulagbulagan. Pero HINDI na. Tatayo na ako at lalaban. Ipaglalaban ko ang aking karapatan--karapatan na mabuhay nang payapa at tahimik. Salamat at namulat na ako sa katotohanan. Salamat sa iyong mga ginawa at ginagawa dahil ito ang nagbigay sa kain ng dahilan upang huwag magpaapi at lumaban.

FUCK UP LIFE

hay... ang buhay ko nga naman ay isang napakalaking kaguluhan parang ang Pilipinas ngayon. Napakagulo na ng takbo ng buhay ko, hindi ko na alam kung ano ang dapat unahing isipin, kung ano ang dapat kong maramdaman. ANg bilis ko ngang pagtawanan ang nangyari sa akin at doon sa hinayupak na lalaking iyon. Alam ko, may bitterness pa rin akong nararamdaman. Sino ba naman ang hindi magagalit sa ginawa niya. PInagmukha niya akong tanga and he even thought I would not discover his wrong doings. Shit! Pero sa ngayon ang naiisip ko napabuti pa nga ata ang paghihiwalay namin. Lalo na ngayon at bilang iskolar ng bayan at (secret) ay kailangan kong bigyan ng panahon ang mga bagay-bagay na alam ko bilang tao hindi niya naiintindihan o hindi niya susuportahan.

Anyway pagdating naman sa aking academic endeavors ay medyo magulo rin. Nagsasabay-sabay ang lahat ng bagay--eleksyon, exams, projects, reports. Ay! hindi ko na alam ang uunahin ko. Nahihirapan nga akong ibalance ang oras ko at ang sarili kong kalusugan nga napapabayaan ko na rin minsan. ANG SAYA ko,noh!

Ta****a naman kasi! Minsan pakiramdam ko gusto ko na lang magpakatiwakal, pero I promised myself I would not give in to temptations. Iyong friendship ko with him, pag-iisipan ko kung kailan ko iyon aayusin, pero as of now, ayaw ko muna magkaroon ng ugnayan sa kanya.

P.S. I think I need someone to talk to and who would listen to me.

Saturday, February 04, 2006

Nakakatuwa

Kagabi , pagkauwi ko mula sa aming FA sa inaaplyan kong organization ( CONGRATULATIONS, Batchmates!) ay dumiretso na ako sa computer. Nag-online ako habang ginagawa ko ang aking ipapasang paper para sa isang major subject.

Pag-online ko, naka-ol din ang aking bf. Hmm... di ako pinapansin...ok lang...ganoon naman talaga minsan. Ayaw ko nang magdamdam uli.

Anyway, may nakilala akong taga-ADMU online. Ang kulit niya...hahaha...parang hindi taga-Ateneo kung magsalita si Kuya. PInakilala din ako ni Kuya sa iba pa niyan kaibigan mula naman sa Las Vegas. Ang saya! Nagkaroon ako ng mga bagong kaibigan online.

Kanina nga ay nakausap ko sila uli. Hehehe...daming kalokohan ng mga bago kong kaibigan. Lakas magtrip online.

Anyway, magsisimula na ang aking mahabang paglalakbay sa Martes. Sana ay maging matagumpay ito at masaya tulad ng mga nangyari ngayong school year. GOD BLESS! Hanggang dito na muna.