Thursday, June 01, 2006

Yehey!

Ang saya namin ngayong araw! Nakakuha na kami ng isang sponsor for our freshmen week. Buti na lang at napakasipag ng may hawak ng marketing committee namin na si Micah. Napakatiyagang bata.

Marami pa kaming ipafollow-up at pagbibigyan ng mga letters. Pero at least, we have one at bigatin pa. Maliban nga sa pagsponsor ng company na ito ay magpapasale pa sila sa UP, oh di ba may extrang kita pa para magkaroon ng pondo ang student council.

Noong Martes habang naglilinis kami ng office ay may nakita akong mga papeles--ang financial statement ng 2004-05 na student council for the MMAM celebration. Ito ata iyong nawawalang statement na nagresult sa hindi pagpapaloan sa sumunod na student council ng OICA. Kung ito nga iyon, napakaswerte namin dahil magkakaroon kami ng another mean to have funds for our lined-up activities. Ang saya!

* * *
Lumayo naman tayo sa aking buhay-eskwela. Masaya naman ang paputol-putol na bakasyon ko. Tumatambay ako kasama ang barkada ko. Nakikipaglaro sa baby cousin ko. Nagmall with my sister and our baby cousin.
Masaya rin kasi napatunayan ko na na ayos na ang aking buhay-single (hahaha). Nakausap ko na iyong ex ko, at hindi na ako asar. Ibig sabihin lang nito ay nakamove on na talaga ako. Pero, this doesn't really mean I'm ready for another relationship. Focus muna sa acads at sa council work siguro!
* * *
Kainis lang talaga ang dsl namin. Ayaw magbukas ng ilang sites.