Saturday, September 23, 2006
Tuesday, September 12, 2006
Sino nga ba talaga ang bulag?
SINO ANG TUNAY NA BULAG?
Ang mga taong hindi nakakakita dahil sa pisikal na kakulangan?
O
Ang mga taong nakakakita ngunit pinipiling magsawalang-bahala?
PARA SA AKIN, ANG TUNAY NA BULAG AY ANG MGA TAONG PINIPILING MAGKIBIT-BALIKAT NA LAMANG SA MGA MALING NAGAGANAP SA BAYAN. KAAWA-AWA ANG MGA TAONG NABIBILANG SA IKALAWANG KATEGORYA DAHIL KAHIT SILA AY NABIGYAN NG PAGKAKATAON NA MABUHAY NANG NORMAL AY HINDI NILA GINAGAMIT ANG PAGKAKATAONG IYON NA MAGDALA NG PAGBABAGO, KUNGDI MAN PIGILAN ANG NANGINGIBABAW NA KAGULUHAN SA ATING BAYAN.
Patuloy na paglaban
Madaling magsabing ayaw mo na.
Madaling magsabing tigil na.
Madaling magsabing tama na.
Pero paano matatapos ang lahat,
kung ikaw nama'y hanggang salita't
wala namang gawa?
Saturday, September 02, 2006
Ito na!
Setyembre na. Simula na ng isang buwan ng pagsasaya at paghihirap ng konseho para sa Mass Media Awareness Month. Ngayong taon, ang konseho ay nakaangkla sa tema na "Proactive and Transformative Media for a Free Filipino Society." Nakita namin sa konseho ang pangangailangan na muling ipanawagan hindi lamang sa mga nasa propesyon na kungdi pati sa academya at mga mag-aaral ng komunikasyon na kailangan magkaroon ng pagbabago sa ating lipunan at sa media.
Sa buwan na ito ay magkakaroon kami ng Production Festival para ipakita sa ibang mag-aaral kung paano maaring gamitin ang media sa pagpaparating ng mahahalagang mensahe sa lipunan; ng Media Summit para sa mga kabataang nasa haiskul at nais maging bahagi ng media; ng isang roundtable discussion sa pagitan ng mga nsa propesyon at academya kung paano masisimulang gawing proactive at transformative ang media; at ang pinakahuli ay ang MULAT! the Mass Media Awareness Concert na magiging senyales ng pagsisimula sa pagbubuo ng isang media na maaaring tugunan ang pangangailangan ng bayan para makapagdesisyon at kumilos sa ikauunlad ng Pilipinas.

Subscribe to:
Posts (Atom)