Sunday, October 29, 2006

Labeling

I'm trying to put labels on my previous posts. Ang hirap! Hmmm... I'll try to do it another time. Any suggestion how?

My first time in Mindanao (a brief entry)

I've never been away from home for that long. I spent almost two weeks in Mintal, Davao. I participated in the KASAMA sa UP National Congress and General Assembly of Student COuncils in University of the Philippines in Mindanao.

I had so much fun. I met new faces all over the UP system. I felt lucky to have been able to go there, and spent some time with these people. I hope to see them again during the SR-selection.

Monday, October 09, 2006

Here at BNR

It has been so long since I've been here. I remember the last time I was here--I was doing this template. Gosh! hahaha. That was the time I was heartbroken. hehehe. Bye for now!

Wednesday, October 04, 2006

Sino ang nagdidikta ng bastos?

Bastos—kailan ba natin sinasabi na bastos ang bagay, pangyayari, o tao na hindi kagalang-galang? Paano natin sinusukat ang kabastusan?

Ang konsepto ng kabastusan sa Pilipinas, sa aking palagay, ay dinidikta ng status quo ng bansa. Ibig sabihin, ang pamantayan nito ay nalimita na ng naghaharing relihiyon dito—ang Katolisismo. Nagiging masama, bastos, o hindi kagalang-galang kapag ito ay lumabag sa limitasyon ng turo ng simbahan. At dahil nga ang Katolisismo ang naghahari sa bansa, maraming mga Pilipino ang nakondisyon na ganitong kaisipan o pamantayan sa lahat ng kanilang gagawin o sasabihin. Mapapansin ang ganitong penomenon sa dokumentaryong Lukayo.

Tinatawag na bastos o imoral ang mga tradisyong may kinalaman sa simbolo ng phallus o sa ari ng lalaki ng simbahan dahil ito ay hindi tumutugma sa pamantayan ng Katolisismo na sagrado ang mga ari ng tao. Makikita na pilit na pinapatay ng naghaharing kaisipan ang mga tradisyong may phallic na simbolismo sa pamamagitan ng pagdidikdik sa isipan ng mga Pilipino na ito ay bastos at labag sa moralidad na ang simbahan ang nagdikta.

Isa itong malinaw na katibayan nang sinasabi ni Arsenio Manuel na "denigration at marginalization” na ginagawa ng isang dayuhang kultura sa tradisyonal na kultura ng isang bansa. Makikita natin na tinatatakan ng titulong bastos o immoral ang mga tradisyong nauna pa sa paglaganap ng Katolisismo sa Pilipinas, at pagkatapos pilit na binubura o isinasaisangtabi sa isipan at kultura ng mga Pilipino ang mga tradisyong tulad ng Lukayo ng Laguna at Baliw-Baliw ng Cebu. Alam ng nakararaming ito na mali, pero sinusunod pa rin nila dahil simbahan ang nagsabi.

Ngunit kung titignang mabuti, hindi naman tamang gamiting pamantayan ang mga turo ng simbahan upang bigyang konteksto ang mga ganitong klase ng tradisyong Pilipino. Dapat nating tandaan na nagsimula ang ganitong mga tradisyon bago pa man dumating ang mga dayuhang mananakop. Samakatuwid, nabuo ang mga tadisyong ito sa labas ng konsepto ng Kristiyanismo at Katolisismo. Maaaring ito ay parte nang tinatawag nilang paganong paniniwala ng mga sinaunang Pilipino.

Kung iisipin nga naman, ang konsepto ng kahalagahan ng mga ari, lalo na ang patriyarkal na pag-iisip, ay nakapasok lamang sa isipan ng mga Pilipino nang lumaganap ang Katolisimong dala ng mga dayuhang Kastila. Ang relihiyong ito ay ginamit na kasangkapan sa pananakop ng mga Kastila noon (kasama ito sa kanilang 3G—ang God, Gold, and Glory). Sa pamamagitan nito ay kinondisyon nila ang isipan ng mga Pilipino sa isang lipunang patriyarkal at lalaki ang dapat maghari, at na katotohanan ang bawat sambitin ng simbahan.

Tama sila Prof. Nick Tiongson. Maaaring kaya malaki ang pagtutol ng ilang institusyon sa mga ganitong pagpapalabas at pagpapalaganap ng mga sinaunang tradisyong may ginagamit na phallus ay dahil ito ay anti-male o anti-masculine labag sa dominanteng kaisipang patriyarkal sa bansa.

Pero sa huli sana ay maisip nga ng mga Pilipino--lalo na ng mga kabataang Pilipino--ang kahalagahan ng pagpapalaganap ng mga tradisyong Pilipino at pagtanggap sa sarili at tunay na kulturang Pilipino. At higit sa lahat, sana ay maipagpatuloy at hindi lamang mamatay ang mga sinaunang tradisyong Pilipino sa kabila ng kakaunting suportang natatanggap nito mula sa mga institusyon sa lipunan.

*paper na ipinasa para sa isang Anthro class